SINO AKO

ste buce chi sono

Ako si Stefano Bucello, Tatlumputlimang (35) taong gulang, ako ay abogado at mananaliksik sa unibersidad.

Matagal ko nang pinag aaralan ang mga karapatang sibil, kapaligiran, pantay -pantay na karapatang pantao at legalidad.

Ako ay tumatakbo bilang isang konsehal ng munisipyo sa ilalim ng partidong “Lista Civica Sala”.

PAG-AARAL AT TRABAHO

Ginawa ko ang aking mga unang hakbang sa larangan ng politika ng mataas na paaralan at naging isang kinatawan ng mga mag-aaral sa instituzyon at sa konsehong panlalawigan.

Nakapagtapos ako ng pagaraal ng Administratibo ng Batas na may isang Sanaysay sa direktiba ng Bolkestein.

Pagkatapos ay nakamit ko ang PHD na iginawad sa Unibersita ng Bicocca at hanggang ngayon nakikipagtulungan ako kasama ang tagapangulo ng estado ng batas administratibo. Meron akong ilang aktibong paglalathala sa magazine ng mga hurado o mambabatas.

Sa studyo kung saan ako nagtatrabaho ngayon pinangangatawanan ko ang usaping pagbabago ng enerhiya at ng kapaligiran at natutuhan kong malaman ng lubusan ang batas ng Europa.
Maari mong tingnan ang aking Curriculum (CV).

ANG HILIG SA TEATRO AT SA MUNDO NG KULTURA

Gustung-gusto ko ang teatro mula pa noong bata ako.

Sa Milano malaya kong nagawa o natupad ang hilig na ito pagktapos ng pagdalo ng “Centro Teatro Attivo”. Nakipag ugnay ako at nalaman ko pa ang ibat ibang realidad sa nga teatro ng milanese.

Mula noong 2015, salamat sa isang pagpupulong kasama ni Franco Rina, nakipagtulungan ako sa isang pandaigdigang pagditiwang ng maikling pelikulang Cinemadamare, sa larangan kung saan ako napabilang sa ibat-ibang mga maikling pelikula.

ANG PULITIKA AT PAGKAKAUGNUYAN

Naniniwala ako sa kalayaan, sa larangan ng karapatang ng pang ekonomiya at sa mga karapatang sibil.
Ako ay maka-European at maka-atlantista naniniwala ako sa merito at kumpetisyon, ngunit ganundin ang pangangailangan na huwag nating kalimutan ang mga mahihina at mas nanga ngailangan. Nanukiwaga ako na ang kapaligiran o kalikasan ang magiging tema sa hinaharap.

Ako ay isang feminista ngunit sa totoo lang dahil nakagawiang sabihin at palagi kong masigasig na sinusuportahan ang mga laban tungkol sa mga karapatang sibil at mga inisyatibang komunidad ng mga LGBT.

Kung nais mong malaman kung bakit gusto ko mag-aaply “basahin dito”

Sa nakaraan naging bahagi ako ng mga Italianong Radical at ngkalihim ng Milanese Radikal Asosasyon na si Enzo Tortora, sumasakop ako sa pagharap sa hustisya, mga isyu sa ekonomiya at mga karapatan.

Noong 2016 upang suportahan ang Referendum na konstitusyonale, sumali ako sa komite na “Mga abugado para sa yes” at gumawa ako ng isang maikling pelikula upang suportahan an kampanya ng Referendum.

Isa ako sa mga nagtatag ng samahan ng ItaliaStatoDiDiritto “Panuntunam ng Batas ng Italya” at ako ay naging kasapi o bahagi ng maraming iba pang mga asosasyon kabilang ang FEI – Forum Economia e Innovazione (Ekonomiya at Makabagong Ideya), taga pangasiwa ng patakan publiko.

BUKOD O HIGIT PA SA PULITIKA

Mahilig at gustung-gusto kong maglakbay at palagi akong may pagkahilig sa pagsulat, Nakipagtulungan ako sa ibat-ibang mga online publication, panloob at panlabas na pahayagan.

Madalas na napupunta ako sa mga lugar o kalye upang suportahan ang mga laban nga kalakasan ng kababaihan na isinulong ng network “Non Una Di Meno”, “Na hindi gaanong mababa o hindi kukulangin”. At ang mga libreng oryentasyon sekswal na inayos ng Milano Pride. Sa loob ng ilang buwan magsasagawa ako ng isang maliit na format sa Clubhouse tungkol sa paksa ng pagiging positibo sa kasarian.

 

Mga contact

Gumagawa ako ng mga panukala: kung nais mong sabihin sa akin ang isang bagay, isulat mo ako, ang bawat mabuting ideya ay nagmumula sa pakikinig at paghahambing

.

+ 393515949194

stefanobucello.milano2021@gmail.com

Sundan mo ako sa social media